POSISYONG PAPEL
JAYBEE T. BLANZA
BUHAY NG GURO
Maituturing nating pinaka mahalagang kayamanan ng bawat isa sa atin ang edukasyon, ito lamang ang tanging kayamanan na hindi kayang makuha ng kahit sino man. Malaki ang kontribusyon ng mga guro sa paghubog sa ating mga kaisipan, pag-uugali, at pakikitungo sa iba, sila din ang tumatayong pangalawang magulang ng bawat isa sa atin. Sila yung tumulong sa atin para gumawa ng tama at matuto. Malaki ang impluwensiya ng ating mga guro sa landas na ating tinatahak. Ang paaralan ang pangalawang tirahan na ng mga estudyante. Ang mga guro ay tinatawag na ring mga pangalawang magulang ng mga mag-aaral. Nakasalalay nga naman sa mga itinuturo ng mga guro ang mga matututunan ng bawat bata. Minsan, hindi lang puro tiyoretikal ang pagtuturo sa mga kabataan. Maiging bigyang halaga ang pakikipag-ugnayan sa kapwa, at ang mga aral na makukuha natin sa mga makatotohanang karanasan sa buhay.
Comments
Post a Comment