POSISYONG PAPEL JAYBEE T. BLANZA BUHAY NG GURO Maituturing nating pinaka mahalagang kayamanan ng bawat isa sa atin ang edukasyon, ito lamang ang tanging kayamanan na hindi kayang makuha ng kahit sino man. Malaki ang kontribusyon ng mga guro sa paghubog sa ating mga kaisipan, pag-uugali, at pakikitungo sa iba, sila din ang tumatayong pangalawang magulang ng bawat isa sa atin. Sila yung tumulong sa atin para gumawa ng tama at matuto. Malaki ang impluwensiya ng ating mga guro sa landas na ating tinatahak. Ang paaralan ang pangalawang tirahan na ng mga estudyante. Ang mga guro ay tinatawag na ring mga pangalawang magulang ng mga mag-aaral. Nakasalalay nga naman sa mga itinuturo ng mga guro ang mga matututunan ng bawat bata. Minsan, hindi lang puro tiyoretikal ang pagtuturo sa mga kabataan. Maiging bigyang halaga ang pakikipag-ugnayan sa kapwa, at ang mga aral na makukuha natin sa mga makatotohanang karanasan sa buhay.
Posts
Showing posts from August, 2019
- Get link
- X
- Other Apps
TALUMPATI Wika Talumpati ni Farah Grace Jimena “Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata, makapagtitibay sa bansa, paggamit ng sariling wika, ang ating tanging tanikala.” Malaya na tayong mga Pilipino sa pang-aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap na ang ating pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat, mayroon na ring pambansang awit at mayroon pang pambansang wika… ang Wikang Filipino. Wikang Filipino? Ginagamit ba ito? Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula nitong ating bansa. Hindi ba’t natatawag na malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang sariling wika? Nawawalan ng kabuluhan ang wikang pambansa kapag hindi naman ginagamit sa lipunan, sa paaralan at maging sa pamahalaan. Sa kalagayan ngayon ng mga bagay- bagay sa ating bansa at sa sistema ng ating edukasyon, lumilitaw na tila wala pa tayong wikang sarili sapagkat nagpapamanipula tayo sa mga wikang banyaga. Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi…...