Posts

POSISYONG PAPEL JAYBEE T. BLANZA  BUHAY NG GURO  Maituturing nating pinaka mahala­gang kayamanan ng bawat isa sa atin ang edukasyon, ito lamang ang tanging kayamanan na hindi ka­yang makuha ng kahit sino man. Malaki ang kontribusyon ng mga guro sa paghubog sa ating mga kaisipan, pag-uugali, at pakikitungo sa iba, sila din ang tumatayong pang­alawang magulang ng bawat isa sa atin. Sila yung tumulong sa atin para gumawa ng tama at matuto. Malaki ang impluwensiya ng ating mga guro sa landas na ating tinatahak. Ang paaralan ang pangalawang tirahan na ng mga estudyante. Ang mga guro ay tinatawag na ring mga pangalawang magulang ng mga mag-aaral. Nakasalalay nga naman sa mga itinuturo ng mga guro ang mga matututunan ng bawat bata. Minsan, hindi lang puro tiyoretikal ang pagtuturo sa mga kabataan. Maiging bigyang halaga ang pakikipag-ugnayan sa kapwa, at ang mga aral na makukuha natin sa mga makatotohanang karanasan sa buhay.
Image
TALUMPATI Wika Talumpati ni  Farah Grace Jimena “Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata, makapagtitibay sa bansa, paggamit ng sariling wika, ang ating tanging tanikala.” Malaya na tayong mga Pilipino sa pang-aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap na ang ating pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat, mayroon na ring pambansang awit at mayroon pang pambansang wika… ang Wikang Filipino. Wikang Filipino? Ginagamit ba ito? Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula nitong ating bansa. Hindi ba’t natatawag na malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang sariling wika? Nawawalan ng kabuluhan ang wikang pambansa kapag hindi naman ginagamit sa lipunan, sa paaralan at maging sa pamahalaan. Sa kalagayan ngayon ng mga bagay- bagay sa ating bansa at sa sistema ng ating edukasyon, lumilitaw na tila wala pa tayong wikang sarili sapagkat nagpapamanipula tayo sa mga wikang banyaga. Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi…...
AGENDA ADYENDA NG PAGPUPULONG PATUNGKOL SA PANUKALANG PROYEKTO Petsa: Ika 21 ng Nobyembre taong 2018 Pook na pinagdausan ng pulong: Malalinta, San Manuel,Isabela Mga inaasahang dadalo: G:Patrik Adrian Cura                                                                                        Pinuno G:Jose Caniaveral                                                                                              Pangalawang pinuno Bb::Maria Victoria Parcon                ...
Image
BIONOTE Ako ay nagtapos ng kursong BS Biology sa UST at natamo ang Doctor of Medicine degree sa UP Manila. Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang isang pediatric doctor sa St. Luke's Hospital sa BGC. Mayroon akong mga nailathalang pananaliksik hinggil sa pag-aaral sa sikolohiya ng mga bata. Ang aking disertasyon sa UP Manila ay nagtamo din ng Best Thesis award. Kasalukuyan, ako ay kasama sa mga medical missions ng WHO para sa mga batang dumaranas ng malnutrisyon sa Africa.
Image
PILING LARANGAN FINAL PETA SA PILING LARANGAN KAHALAGAHAN NG WIKA  Abstrak : Titulo: Kahalagahan ng Wika para sa pang araw araw na pakikipag komunikasyon sa mga nakapaligid sa atin May Akda: Jaybee T. Blanza Biniyayaan ng diyos ang mga tao ng higit na nakatataas na pag-iisip kumpara sa iba pang nilalang. Kaugnay nito ang kakayahan nating matuto ng sarili nating wika at mapayabong pa ito sa pagdaan ng panahon. Tunay nga namang napakamakapangyarihang elemento ng ating pagkatao ang matuto ng wika. Ang wika ang nagsisilbing pundasyon ng lahat para magkaroon ng kominikasyon sa mga nakapaligid sa atin. Kung wala ito ang mundo ay magkakagulo at ‘di magkakaunawaan. Ang wika ay nagsisilbing sinulid na nagkokonekta sa bawat isa , isang sinulid na hindi maaaring basta maputol kung ating iingatan at pahahalagahan. Hindi lamang sa pang komunikasyon, ang kahalagahan ng wika ay makikita at mapapakinggan mo kahit saan. Pananaliksik: Kahulugan at Layunin Ang wika ay isang bahagi ...