PILING LARANGAN

FINAL PETA SA PILING LARANGAN

KAHALAGAHAN NG WIKA 

Abstrak:

Titulo: Kahalagahan ng Wika para sa pang araw araw na pakikipag komunikasyon sa mga nakapaligid sa atin

May Akda: Jaybee T. Blanza


Biniyayaan ng diyos ang mga tao ng higit na nakatataas na pag-iisip kumpara sa iba pang nilalang. Kaugnay nito ang kakayahan nating matuto ng sarili nating wika at mapayabong pa ito sa pagdaan ng panahon. Tunay nga namang napakamakapangyarihang elemento ng ating pagkatao ang matuto ng wika. Ang wika ang nagsisilbing pundasyon ng lahat para magkaroon ng kominikasyon sa mga nakapaligid sa atin. Kung wala ito ang mundo ay magkakagulo at ‘di magkakaunawaan. Ang wika ay nagsisilbing sinulid na nagkokonekta sa bawat isa , isang sinulid na hindi maaaring basta maputol kung ating iingatan at pahahalagahan. Hindi lamang sa pang komunikasyon, ang kahalagahan ng wika ay makikita at mapapakinggan mo kahit saan.

Pananaliksik: Kahulugan at Layunin

Ang wika ay isang bahagi ng pkikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog at mga  kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamaaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsusulat

Ginagamit ng tao ang wika upang magpahayag at imanipuleyt ang mga bagay a kanyang kapaligiran.  Nakakapagpanatili at nakapagpapatatag ng relasyong sosyal. Ito rin ay tumutugon sa pangangailangan at kumontrol, gumabay sa kilos/asal ng iba. ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at hinaharap. Ang layunin ng wika ay upang ingatan ang kultura at tradisyon ng ating bansa. Maaaring mawalaang matatandand henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wka, naibabatid parin nila ang kanilang ideya, tagumpay kabiguan at maging ang kanilang mga plano at adhikain sa hinaharap. Mahalaga ang wika dahil pinapaunlad nito ang aspektong intelektual, sikolohikal at kultura.

KATITIKAN NG PULONG

                                            Katitikan ng buwanang pulong ng municipal development                                                                   cooperative counsil ng aurora na ginanap sa dswd conference                                                          center municipal building bayan ng aurora noong ika-12 ng hulyo,2000

Dumalo:
              Kgg: Juan V. Tojera                      -Tagapangulo ng lupon
              G: Bernardo Patalay                     -II Tagapangulo ng lupon
              G:Nenita Viros                             -Ingat yaman ng MCDC
              Gng:Rolando Zambrano              -Designated MCDC
              Gng:Christian Ramil                    -Manager
              Bb:Maricel Reymudo                   -Chairman, Matala WMPC
              Gng:Jaymark Asuncion                -Vice chairman
              Gng:Bonifacio Dulay                   -Secretary 
              Gng:Edwardo Castillio                 -Mayor                        
              G:Jose Mangubat                          -Vice Mayor
              
              Mga Di Dumalo                           -Sonny Ballesteros
              
              Panukalang Adyenda
              1.Mga plano tungkol sa pagpapalago ng wika
              II.  Pagsisimula ng pulong:
                                                        Ang pagsisimula ng pulong na ito ay sinimulan ni  Edwardo                                                                    Castillio ang Mayor ng Aurora. Sinimulan ang pagpupulong sa                                                              oras ng ala una ng hapon at natapos ito sa oras na alas singko ng                                                            hapon.



TALUMPATI


Image result for talumpati cartoon




Wika
Talumpati ni Farah Grace Jimena
“Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata, makapagtitibay sa bansa, paggamit ng sariling wika, ang ating tanging tanikala.”
Malaya na tayong mga Pilipino sa pang-aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap na ang ating pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat, mayroon na ring pambansang awit at mayroon pang pambansang wika… ang Wikang Filipino.
Wikang Filipino? Ginagamit ba ito?
Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula nitong ating bansa. Hindi ba’t natatawag na malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang sariling wika? Nawawalan ng kabuluhan ang wikang pambansa kapag hindi naman ginagamit sa lipunan, sa paaralan at maging sa pamahalaan. Sa kalagayan ngayon ng mga bagay- bagay sa ating bansa at sa sistema ng ating edukasyon, lumilitaw na tila wala pa tayong wikang sarili sapagkat nagpapamanipula tayo sa mga wikang banyaga.
Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi… tatak ng isang bansang malaya. Ang mga bansang malaya ay yaong mga gumagamit sa sariliing wika. Sa wikang Filipino naipakikilala ang lahing pagka- Pilipino. Larawan ito ng pagiging matapang, matatag at makatarungan ng mga Pilipino. Ating ibalik sa panahon ng ating mga bayani, kanilang ipinaglaban ang ating bansa sa mga pananakop ng mga mapang- aping mga dayuhan. Ibinuwis nila ang kanilang mga buhay , para lamang makahulagpos tayo sa mga manlolokong dayuhan. At ang Filipino ay ginamit bilang simbolo na isa na tayong malayang bansa.
Sinasabing, kapag walang wika, walang kultura. At kapag walang kultura, walang wika.
Kultura ang kabuuan ng mga paniniwala at lahat ng kaugalian ng mga tao. Kung kaya’t kultura ang pinanggagalingan ng wika. Wika ang nagiging midyum para maipahayag ang kultura ng isang pangkat ng mga tao. Ito ang paraan para mapayabong o mapaunlad ang kultura.
Sinasabing wika ang matibay na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa.
Kung sariling wika ang ginagamit sa ating bansa, mawawala ang “ communication gap” sa pagitan ng masa ng mga nagsasalita ng sariling wika at mga pinuno na nagsasalita sa wikang Ingles. Sa ganito tayong mga Pilipino’y lagi nang kikilos at gagawa na parang iisang tao sa paghanap ng kaunlaran, kadakilaan at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng ating wika, nagkakaintindihan tayo. Dito tayo nagkakaisa at nagtutulungan. Kapag ngakakaunawaan, magkakaroon ng kaunlaran itong ating bansa.
Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan lamang sa atin ang nakaiintindi? Hindi ba’t ang pagiging makabuluhan ng isang wika ay yaong naiintindihan, nagagamit at napapakinabangan ng lahat? Oo nga’t Ingles ang wikang ginagamit sa pandaigdigang kalakaran at ito’y hindi natin maiwawalang- bahala lang. Hindi rin naman masama ang panghihiram dahil nakatutulong ito na mapanatiling buhay ang isang wika. Nagiging midyum ito sa pakikipagkomunikasyon sa ibang bansa.
Ngunit paano kaya kung ang wikang Filipino ang ginagamit natin sa mga panayam, pakikipag- ugnayan at pakikihalubilo sa kapwa Pilipino? Hindi ba’t mas mainam dahil naiintindihan ito ng lahat ng tao sa Pilipinas? At kung gamitin kaya ito sa mga inilalathala sa pahayagan, hindi ba’t mas madali nating maaabot ang mga hinanaing, mga naisin o kaya’y mga pangyayari sa ating bansa?
Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para mapatatag ang ating bansa. Ito ang bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa para sa ikauunlad nitong bansa.
Wika; sagisag ng kabansaan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi sa pagkakaunawaan, tungo sa kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan.

BIONOTE


your Profile Photo, Image may contain: 1 person, smiling
Ako ay nagtapos ng kursong BS Biology sa UST at natamo ang Doctor of Medicine degree sa UP Manila. Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang isang pediatric doctor sa St. Luke's Hospital sa BGC. Mayroon akong mga nailathalang pananaliksik hinggil sa pag-aaral sa sikolohiya ng mga bata. Ang aking disertasyon sa UP Manila ay nagtamo din ng Best Thesis award. Kasalukuyan, ako ay kasama sa mga medical missions ng WHO para sa mga batang dumaranas ng malnutrisyon sa Africa.

















Comments

Popular posts from this blog